Ni Lyka Manalo

LIAN, Batangas - Patay ang isang pinaghihinalaang carnapper matapos umanong makipagpalitan ng putok sa mga awtoridad habang sakay sa umano’y nakaw na motorsiklo sa Lian, Batangas, kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang napatay na si Loreto “Dodong” Viscera, na umano’y nakuhanan pa ng pakete ng hinihinalang shabu.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 12:10 ng madaling araw nang natiyempuhan umano ng mga operatiba ng Provincial Highway Patrol Team (PHPT) at Lian Police ang suspek lulan sa motorsikong umano’y ninakaw sa Laguna.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Sa halip na sumuko ay pinaputukan umano ng suspek ang mga pulis hanggang sa magkapalitan ng putok at mapatay sa Barangay Matabungkay, Lian.

Nakumpiska rin umano mula kay Viscera ang isang .38 caliber revolver.

Tinamaan naman ng bala ang PHPT Mobile Car na may plakang HSPP-829, ayon sa report.