Ni Marivic Awitan
PINANINDIGAN ni Bernadeth Pons ang pagiging team captain at sa huling taon ng collegiate career, sinandigan ang ratsada ng Far Eastern University para makamit ang posibilidad na makausad sa championship sa women’s division ng UAAP Season 80 volleyball tournament.
Pinangunahan ni Pons ang Lady Tamaraws para makamit ang second spot at huling twice-to-beat incentive papasok sa Final Four round ng pamosong collegiate league sa bansa.
Ito ang dahulan para mapili siya sa ikalawang sunod na pagkakataon bilang UAAP Press Corps Player of the Week.
Nag-step-up ang 21-anyos na spiker mula Negros Occidental, sa pagkakataong kinakailangan upang tulungan ang FEU na tumapos na pangalawa sa double round eliminations..
“Masaya kami na natapos namin yung second round, na naipanalo namin ang last three games namin,” pahayag ni Pons.
“Ang pressure palagi namang nand’yan, palagi naman naming nire-remind ang bawat isa na hindi namin siya dapat i-take as pressure, kasi lalo lang kaming mawawala sa kung ano ang dapat naming gawin.”
“So china-challenge namin palagi nag sarili namin, kung ano ‘yung mga dapat naming gawin, kung ano ang role namin sa team, ‘yun,” aniya.
Tinalo ni Pons para sa lingguhang citation sina De La Salle hitter Kianna Dy at setter Michelle Cobb, Adamson’s graduating players Mylene Paat at Jema Galanza at Tots Carlos ng University of the Philippines.