Ni Analou De Vera

Inihayag kahapon ng Bureau of Customs (BoC) na nasabat nito ang nasa P18.5 milyon halaga ng misdeclared na sigarilyo sa Manila International Container Port (MICP).

 SMUGGLED NA, PEKE PA! Iprinisinta ni Customs Commissioner Isidro Lapeña (gitna) sa media ang P18.5-milyon halaga ng sigarilyo na nasabat sa MICP sa Port Area, Manila kamakailan. Idineklara bilang industrial artifical fur mula sa China, ang mga sigarilyong may iba’t ibang brand ay may iisang serial number, kaya maituturing na pawang peke, ayon sa komisyuner. (ALI VICOY)


SMUGGLED NA, PEKE PA! Iprinisinta ni Customs Commissioner Isidro Lapeña (gitna) sa media ang P18.5-milyon halaga ng sigarilyo na nasabat sa MICP sa Port Area, Manila kamakailan. Idineklara bilang industrial artifical fur mula sa China, ang mga sigarilyong may iba’t ibang brand ay may iisang serial number, kaya maituturing na pawang peke, ayon sa komisyuner. (ALI VICOY)

A y o n k a y C u s t oms Commissioner Isidro Lapeña, ang nakumpiskang kontrabando ay nakasilid sa isang 40-foot container at naharang nitong Abril 10. Idineklara ito bilang industrial artificial fur texture, hanggang sa madiskubreng kahon-kahon ng sigarilyo pala.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Abril 4 nang dumating ang kargamento sa Port of Manila mula sa China, at naka-consign sa Madrid Industrial Marketing, na may tanggapan sa Batangas Line, Paco, Manila.

Idineklara ang kargamento bilang 890 kahon ng industrial artificial fur texture, subalit matapos masuri at dumaan sa X-ray inspection ay natuklasang naglalaman pala ng 914 na kahon ng mga brand ng sigarilyo— Jackpot, Fortune, John, Marvels, at U2.

“The X-ray Inspection Project found irregularities on the x-ray images when the container passed through the x-ray.

The images appeared different from the declared commodity and declaration of industrial fur texture and usually the images supposed to be ay nakarolyo pero ang nakita sa image—sa x-ray ay boxes. So, there was basis of having this alerted and inspected and it turned out to be cigarettes instead of industrial artificial fur,” ani Lapeña.

Sa inisyal na pag-iinspeksiyon, natuklasang ang mga pakete ng sigarilyo ay may iisang serial number, kaya maituturing na peke ang mga ito, ayon kay Lapeña.

“ I wi l l advi s e s a mga kababayan natin na to be very cautious in buying cigarettes especially yung ganito na it is fake and counterfeit because it may be hazardous to health,” sabi ni Lapeña.