Ni Rommel P. Tabbad
TUGUEGARAO CITY, Cagayan - Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang ilang bahagi ng Cagayan Valley, kahapon ng madaling-araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa report ng ahensiya, naramdaman ang epicenter ng lindol sa layong 39 kilometro sa silangan ng Gonzaga, Cagayan, dakong 3:43 ng madaling-araw.
Ang pagyanig na may lalim na 23 kilometro ay sanhi ng paggalaw tectonic plate sa lugar.
Walang naitalang aftershocks at pinsala ang pagyanig.