Ni Beth Camia

Simula ngayong Lunes ay mabibili na sa mga pamilihan sa National Capital Region (NCR) ang well-milled rice sa halagang P39 kada kilo.

Ayon kay National Food Authority (NFA) spokesman Rex Estoperez, gaya ng ipinangako ng mga rice trader nang makipagpulong kamakailan kay Pangulong Duterte, iro-roll out na ngayon ang murang bigas.

Sa naturang pulong sa Malacañang, nangako ang mga rice trader na maglalaan sila ng 700,000 sako ng bigas bilang pampuno sa kakaunting imbak ng pinakamurang NFA rice.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi pa ni Estoperez na mga trader at rice miller mula sa Nueva Ecija at Isabela ang magus-supply ng murang bigas.

Aniya, makabibili ng murang well-milled rice sa mga bigasan sa palengke na nakakabitan ng tarpaulin na “Tulong Sa Bayan Caravan.”

Tiniyak din ni Estoperez na hindi lilimitahan kung ilang kilo ng murang bigas ang maaaring bilhin ng isang mamimili.