HOUSTON (AP) — Pinangunahan ni James Harden sa naiskor na 44 puntos ang ratsada ng Houston Rockets sa final period para maisalba ang matikas na pakikibaka ng Minnesota Timberwolves, 104-101, nitong Linggo (Lunes sa Manila) sa Game 1 ng kanilang first-round playoff series.

Nakadikit sa tatlong puntos ang Minnesota mula sa apat na sunod na puntos may 30 segundo ang nalalabi sa laro.

Nagpalitan ng puntos ang magkabilang panig at nakakuha ng pagkakataon ang Timberwolves na maitabla ang iskor mula sa error ni Chris Paul, subalit sumablay ang three-pointer ni Jimmy Butler sa huling 1.5 segundo.

Nahirapan ang top-seeded Rockets laban sa No. 8 Timberwolves matapos ang malamyang 10 of 37 sa three-pointer, kung saan pito ay nagmula kay Harden. Hindi naging epektibo sa rainbow area sina Trevor Ariza, P.J. Tucker, Eric Gordon at Paul.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nalimitahan ng Rockets si All- Star big man Carl AnthonyTowns saw along puntos para sa Wolves, sumabak sa playoff sa unang pagkakataon mula noong 2014. Nanguna si Andrew Wiggins na may 18 puntos.

THUNDER 116, JAZZ 108

Sa Oklahoma City, naitala ni Paul George ang playoff record na walong three-pointer tungo sa kabuuang 36 puntos para sandigan ang Thunder laban sa Utah Jazz sa kanilang series opener sa Western Conference.

Nabura ni George ang dating record na limang three-pointer para sa kabuuang 13 of 20 field goal, habang tumipa si Russell Westbrook ng 29 puntos, 13 rebounds at walong assists at nag-ambag si Carmelo Anthony ng 15 puntos.

Host uli ang Thunder sa Game Two sa Miyerkules (Huwebes sa Manila).

Nanguna si rookie Donovan Mitchell sa Jazz na may 27 puntos at 10 rebounds, habang kumubra si Rudy Gobert ng 14 puntos at tumipa sina Joe Ingles at Jae Crowder ng tig-13 puntos.

PACERS 98, CAVS 90

Sa Cleveland, nasopresa ang home crowd nang mabigo ang Cavaliers sa Indiana Pacers, sa pangunguna ni Victor Oladipo na humugot ng 32 puntos, para sa matikas na simula sa kanilang playoff duel.

Nadomina ng Indiana ang up-tempo ng laro para makaabante ng 21 puntos sa first quarter at lumubo sa 23 matapos ang third period. Nakabawi pansamantala ang Cavsat nakadikit sa pitong puntos na bentahe, ngunit naisalpak nina Oladipo at Bojan Bogdanovic ang krusyal na opensa para sa 88-71 bentahe.

Nanguna si LeBron James na may 24 puntos, 12 assists at 10 rebounds para sa kanyang ika-20 career triple-double.

CELTICS 113, BUCKS 107

Sa Boston, ginapi ng Celtics, sa pangunguna ni Al Horford na may 24 puntos at 12 rebounds, ang matikas na Milwaukee Bucks sa overtime.

Abante ang Celtics sa 99-96 may 0.5 segundo ang nalalabi nang maisalbal ni Middleton ang three-pointer mula sa inbound pass para maipuwersa ang overtime.

Kumubra si Terry Rozier ng 23 puntos, habang kumubra sina Jaylen Brown ng 20 puntos at tumipa si rookie Jayson Tatum .