Pangulong Duterte, pasisinayahan ang kompetisyon para sa student-athletes

Ni Annie Abad

MAKIKIISA ang Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdiriwang ng pagkakaisa at sports development bilang panauhing pandangal sa ika- 61 edisyon ng Palarong Pambansa bukas sa Vigan, Ilocos Sur.

Sentro ng administrasyon ni Duterte ang pagbibigay ng sapat na atensyon sa kabataan kung kaya’y diretso ang direktiba niya sa Philippine Sports Commission (PSC) na pagtuunan ng pansin ang sports program sa kanayunan at mga lalawigan.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Makailang ulit na binabangit ni Presidente Duterte ang kahalagahan nang malusog na pamumuhay ng mga kabataan at mailayo sila sa anumang panganib na dulot ng bisyo kung kaya’y marapat silang ma-involve sa sports,” pahayag ni PSC Commissioner Charles Maxey.

Kinumpirman ni Maxey, tulad ni PSC Chairman William Ramirez ay tubong-Davao City, pagdating ng Pangulo para makapiling muli ang mga sports-students.

Ito ang ikalawang pagkakataon na pasisinayaan ng Pangulong Duterte ang prestihiyosong multi-sports event para sa mga kabataan na inorganisa ng Department of Education (DepEd) buhat nang siya ay naging presidente ng bansa noong 2016.

“Mahal ni Presidente ang mga kabataan. Kaya kahit busy, may oras siyang inilalaan para sa mga ito,” ayon kay Maxey.

Samantala, sinabi ni DepEdSecretary Leonor Briones na inaasahan ang pagdagsa ng higit sa 12,000 kabataang atleta na magmumula sa 17 rehiyon sa buong bansa.

Ang mga nasabing atleta ay sinala sa pamamagitan ng mga sports division meets bilang qualifying kung saan ang mga nagkampeon ay maghaharap-harap sa nasabing taunang sports event ng DepEd.

“Te best of the best ang mga atleta natin dito,” sambit ni DepEd Under Secretary Tonisito Umali.

Ibibida ng host city Ilocos Sur ang kanilang premyadong mga sports facilities kung saan kabuuang 21 sports event ang paglalabanan sa iba’t ibang venues sa paligid ng siyudad.

Bukod sa nasabing multi-sports event, nagsanib puwersa din ang DepEd at ang PSC para sa isang pagsasanay sa mga kabataang mag-aaral na mahilig magsulat tungkol sa sports, ito ay ang Campus Sports Journalism seminar.