Ni Hans Amancio

Huli ang dalawa umanong tulak ng ilegal na droga sa buy-bust operation sa Maynila, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga inaresto na sina Marvin Conception, 32, ng 1456 Metrica Maria Clara Simoun, sa Sampaloc; at Ma. Mariz Judalena, 27, ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon, isinagawa ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Malate Police Station (PS-9), sa pangunguna ni Senior Insp. Gil John Lobaton, ang operasyon laban sa mga suspek sa lugar, dakong 4:30 ng madaling araw.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Narekober kina Conception at Judalena ang anim na pakete ng hinihinalang shabu at P1,000 buy-bust money.

Idiniretso ang mga ebidensiya sa Manila Police District Crime Laboratory Office upang siyasatin.

Kapwa nakakulong ang mga suspek sa PS-9 at sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165).