Ni Leslie Ann G. Aquino

Dapat walang kondisyon ang pagtulong sa kapwa.

Ito ang reaksiyon ng isang obispong Katoliko sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na handa siyang tanggapin ang Rohingya basta’t gawin din ito ng mga bansang European.

“If it is charity it should be unconditional, not tied up to what others should do,” sabi ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo sa isang panayam.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ayon sa chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on the Laity, kung talagang nagmamalasakit ang Pangulo sa Rohingya ay dapat nitong gamitin ang kanyang impluwensiya sa Myanmar “to be accountable to the behavior of their soldiers.”

Sinabi ni Bishop Pabillo na “publicity stunt” lamang ang pahayag ni Duterte.