SAMARRA (AFP) – Patay ang 16 katao sa bomb attack nitong Huwebes sa isang libing sa isang bayan sa hilaga ng Iraq para sa mga mandirigma na napatay ng grupong Islamic State, sinabi ng village mayor.

‘’Two bombs exploded as the funeral procession was entering the cemetery’’ sa Asdira, malapit sa bayan ng Sharqat, sinabi ni Salaheddin Shaalan sa AFP.

Karamihan sa 14 kataong nasugatan sa pagsabog ay nasa ‘’critical condition’’, aniya.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Ang mga ililibing ay limang miyembro ng Hashed al-Shaabi paramilitary units, na lumaban kasama ang army para itaboy ang jihadist group mula sa mga bayan sa Iraqi nitong nakaraang taon.

Napatay sila nitong Miyerkules ng gabi nang atakehin ng mga jihadist ang isang military convoy sa bayan, may 250 kilometro ang layo mula sa hilaga ng Baghdad.