Nina Leonel M. Abasola at Hannah L. Torregoza

Iginiit ng Liberal Party (LP) na ang inilabas na Dengvaxia report ni Senador Richard Gordon ay pantapal sa mga kontrobersiya at kapalpakan ng pamahalaan.

Nitong Miyerkules, inilabas ni Gordon, chairman ng Senate blue ribbon committee, ang draft report sa kontrobersiyal na pagbili ng Aquino administration ng P3.5-billion Dengvaxia vaccine mula sa Sanofi Pasteur.

“This is simply a smokescreen of the administration to hide the issues hounding its officials. Why was the committee report released to the public before it has been filed or sponsored? Are not the signatures of majority of the committee members required before the report can be filed?” saad ni dating Quezon congressman Erin Tanada, na LP vice president for external affairs.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Tumakbo si Benigno Aquino III noong 2010 bilang presidential candidate ng LP.

Ayon kay Tanada, ano ang mangyayari sa ulat kung hindi ito kukumpirmahin ng mayorya ng miyembro ng blue ribbon committee.

Sang-ayon si Senador Bam Aquino kay Tanada na ang report ay hindi sumasalamin sa loobin ng mayorya, at tanging kay Gordon lang.

Inirekomenda ni Gordon na sampahan ng kaso sina dating Pangulong Benigno Aquino III, dating Health Secretary Janette Garin at dating Budget Secretary Butch Abad.

Giit ni Senador Aquino, wala pang napatunayang namatay dahil binakunahan ng Dengvaxia.

Ayon kay Tanada, itinaon ang pagpapalabas ng report sa pagsara ng Boracay Island, sa utos ni Pangulong Duterte na madaliin ang impeachment process laban kay Chief Justice Lourdes Sereno, at sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Duda naman si Ifugao Rep. Teddy Baguilat sa paglabas ng ulat. “Hindi lang sa nakaraang administrasyon ipinatupad ang bakuna sa Dengvaxia kundi sa kasalukuyang administrasyon. Nakakapagtaka na nakatuon lang ang report ni Sen. Gordon sa nakalipas na administrasyon,” ani Baguilat.

Para naman kay Senador Joseph Victor “JV” Ejercito, maaaring may pananagutan si dating Pangulong Aquino, ngunit hind siya maitututuring na isa sa mga primary conspirator sa palpak na Dengvaxia program.

Ayon kay Ejercito, chairman ng Senate committee on health and demography, sina Abad at Garin lamang ang maituturing na main conspirators.

“PNoy (Aquino) should have exercised more prudence and oversight instead of allowing Garin and Abad to proceed with the purchase of the controversial vaccine,” dagdag niya. “That is a failure of leadership that should hound his conscience and legacy.”