Ni NORA CALDERON

NAGPAALAM na sa TV5 si Derek Ramsay kasabay ang pasasalamat sa pamamagitan ng Instagram.

“Thank you TV5 for 6 great years. Thank you for trusting and believing in me. The projects and memories here will always be cherished. You always made me feel that I am truly family. Wishing you all the best in your new direction for the network. Kidlat signing out for now. Love you all. #tv5 #kidlat #amazingrace #undercover #macandchiz #forloveormoney #extremekayamobato #AMO,” caption niya sa litrato kasama ang TV5 top executive na si Chot Reyes at manager niyang si Jojie Dingcong.

Seven projects pala ang nagawa ni Derek sa six years na pananatili niya sa TV5. Plus si Derek din ang nag-host ng The Amazing Race Philippines from 2012 – 2014, at nakagawa na siya ng more than thirty movies simula nang pasukin niya ang showbiz.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Maraming beses nang natatanong si Derek, simula nang magbawas ng entertainment shows ang TV5 nitong mga nakaraang taon, kung lilipat siya sa ibang network pero pinanindigan niyang loyal siya rito. Dahil may contract pa siya sa Singko at ibinibigay nila ang projects na nagugustuhan niya bagay sa kanya. Ang huli niyang ginawa sa TV5 ay ang #Amo under Brillante Mendoza at inilunsad na sa Netflix three days ago.

May naririnig kaming usap-usapan sa showbiz na magbabalik na siya sa ABS-CBN pero wala pang official statement si Derek tungkol dito.

Pero last year pa ay nakipag-negotiate na siya para sa gagawin niyang pelikula sa Star Cinema na wala pang details hanggang ngayon.

Hintayin natin ang announcement ni Derek tungkol sa bagong career path niya sa mga susunod na araw