Silatan sa match-up, posible maganap
MIAMI (AP) – Simula na ang NBA playoffs at kapansin-pansin ang tila hindi inaasahang match-up.
At taliwas sa inaasahan, hindi liyamado ang defending champion Golden State at Cleveland — nagharap sa finals sa nakalipas na tatlong season – bunsod nang paglarga nang mga koponan sa magkabilang grupo.
Magkakaalaman na sa Sabado (Linggo sa Manila_ para sa 16-team tournament.
“I feel pretty ready,” pahayag ni Toronto guard Kyle Lowry. “We’re ready to go.”
Tulad nila, gayundin ang 15 ibang koponan.
Sa East pairings: haharapin ni Lowry at ang top-seeded Raptors ang No. 8 Washington, No. 2 Boston kontra sa No. 7 Milwaukee, No. 3 Philadelphia laban sa No. 6 Miami at ang No. 4 Cleveland — target ni LeBron James ang ikawalong sunod na The Finals — kontra sa No. 5 Indiana, sopresang nakaabot sa playoff.
“We’re one of 16 teams that have a chance to win a championship,” sambit ni James. “That’s all you can ask for.”
Tuloy naman ang Philadelphia sa kanilang kampanya sa The Process.
“Take a deep breath, then reload,” sambit ni 76ers coach Brett Brown.
Sa West, hatawan ang No. 1 Houston kontra No. 8 Minnesota — nakalusot matapos magapi ang Denver – habang ang No. 2 Golden State ay sisimulan ang ratsada laban sa matikas na No. 7 San Antonio, No. 3 Portland kontra No. 6 New Orleans at No. 4 Oklahoma City laban sa No. 5 Utah.
“The playoffs are about moments, and you just want a chance to have those moments,”sambit ni Miami guard Dwyane Wade.
Samantala, sa huling regular-season match up, nagwagi ang Portland Trail Blazers kontra Utah Jazz, namayani ang Sacramento Kings sa Houston Rockets, 96-83, ginapi ng Los Angeles Lakers ang Clippers, 115-100.