Robin Sane at Mr. Lucha
Robin Sane at Mr. Lucha

ni Rafael Bandayrel

AKSIYONG umaatikabo ang natunghayan ng wrestling fans sa inilargang fight card ng Wrestling Federation nitong Abril 8 sa Elements sa Centris, EDSA Quezon Avenue, Quezon City.

Tinaguriang MWF 1: Kasaysayan, hindi nabigo ang organizers sa malugod na pagtanggap ng wrestling fans, gayundin sa kanilang hangarin na “an established brand of mainstream entertainment in the Philippines.”

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nagsimula ang programa sa pagbibigay ni Commissioner Mike Shannon ng ‘History Maker Award’ kay Robin Sane dahil sa matikas na kampanya sa “Level UP Battle Royal” nitong Pebrero.

Nakipagtambalan ang high-flying Sane kay WWE NXT alumnus Ho Ho Lun kontra kina Mr. Lucha at Southeast Asian tag team champion The Eurasian Dragon.

Nabigo ang tambalan nina Sane at Lun.

Sa iba pang resulta, nagwagi si Fabio Makisig kontra Jomar Liwanag via pinfall; nanaig sina Aldrin Richards at Hanzello Shilva kontra Ashura at Kyle Sison via pinfall.