Ni Nitz Miralles

PINAG-ISIP nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado ang nakakita sa post ng una sa Instagram (IG) na ang mga kamay lang nila ni Jennylyn ang nakita na magkapareho ng relos, shoes, at kulay ng pants.

JENNYLYN AT DENNIS copy

Twinning ang magdyowa, sayang at hindi pa ipinakita ang suot nilang pang-itaas. Pero ang mas napansin ng fans ay ang suot na rings ni Jennylyn. Hindi nagkakasundo ang fans kung engagement ring na ang suot ni Jennylyn o ordinaryong singsing lang. Wala rin namang caption si Dennis na green heart emoji lang ang isinulat.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Hindi rin malinaw kung sa Toronto kuha ang picture, nang mag-perform sila sa “Sikat Ka Kapuso” show kasama sina Lovi Poe, Alden Rchards, Betong Sumaya at Dingdong Dantes.

Dahil sa picture, marami na naman ang nagpapayo kina Dennis at Jennylyn na magpakasal na at magsimula na silang bumuo ng pamilya kasama ang anak ni Dennis na si Calix at anak ni Jennylyn na si Jazz.

‘Katuwa dahil pati sa The One That Got Away, happy ang love life ni Dennis bilang si Liam. Nag-aminan na sila ni Alex (Lovi Poe) na mahal pa nila ang isa’t isa at sa takbo ng istorya, silang dalawa ang magkakatuluyan.

Nalulungkot lang ang viewers dahil parang patapos na ang TOTGA, wala na silang susubaybayan gabi-gabi. Hindi na rin daw nila masisilayan ang nagseseksihang sina Lovi, Max Collins at Rhian Ramos.