Ni FER TABOY

Labing-isang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang napatay nang makaengkuwentro ang militar nang salakayin ang hideout ng mga ito sa Maguindanao.

Sa pahayag ng militar, napatay ang mga ito sa isinagawang air-to-ground assault laban sa pinagtataguan ng mga ito sa Datu Saudi Ampatuan, Datu Salibo, Mamasapano, Shariff Aguak, at Shariff Saydona Mustapha sa Maguindanao.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Bukod sa pagkakapaslang sa 11 miyembro ng BIFF, nakubkob din ng militar ang dalawang pagawaan ng armas at bala ng BIFF sa Barangay Pagatin, Datu Salibo Maguindanao.

Tinukoy ng militar ang pagtutulungan ng Philippine Air Force (PAF) at ng Field Artillery Battalion ng Philippine Army sa pagsalakay sa kuta ng BIFF.

Nasamsam din sa operasyon ang matataas na kalibre ng baril, ilang improvised explosive device (IED), at kagamitan ng mga ito.