Ni Marivic Awitan
HINDI garantiya ang pagkakaroon ng isang malakas na line-up upang magwagi ng titulo.
Ito ang malinaw na pananaw ni reigning 4-time PBA Philippine Cup champion coach Leo Austria matapos tanungin sa malaking posibilidad na magwagi ang San Miguel Beer ng grand slam ngayong taon sa inaasahang pagsanib ng isa pang higante na si 6-foot-9 Cris Standhardinger.
Kasunod ng kanilang historic win ng pang-4 na sunod na Philippine Cup title, marami ang nagsasabing may malaking tsansa na makapag grand slam ang Beermen lalo pa’t lalaro na para sa koponan ang top rookie pick ng nakaraang draft.
Bukod kay Standhardinger, makakabalikat ng Beermen para sa target na ik add lawang titulo sa darating na Commissioners Cup ang . import na si Troy Gillenwater.
Ngunit, ayon kay Austria, upang magkaroon ng katuparan ang pangarap na Grand Slam, kailangan itong paghirapan.
“Every game, every conference, you still need to work hard dahil talent is not enough eh. Attitude is. If they will work hard and have a good camaraderie and good preparation, I think there’s a great possibility that we can win another championship.”
Naniniwala din siyang hindi iyon magiging ganun kadali lalo pa’t lahat ng teams ay naghahangad na sila’y talunin at patuloy din sa pagpapalakas ng kanilang roster. Bukod dito, magkakaroon din ng malaking bahagi ang magiging performance ng kanilang magiging imports sa huling dalawang conferences.
Samantala, sa inaasahang pagdating ni Standhardinger, inaasahan ni Austria na mas lalalim ang kanilang bench at madadagdagan ang kanilang rotation.