Ni Mina Navarro

Dumating sa bansa kahapon ang 100 overseas Filipino workers (OFWs) na nakinabang sa amnesty program ng Kuwait.

Bandang 6:00 ng umaga kahapon nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 sinasakyang Qatar Airways 934 ng mga OFW.

Nagkaloob ng tig-P5,000 ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa bawat OFW bilang tulong pinansyal.

Tsika at Intriga

Mamahaling lugar: Edu Manzano, niyabang pagpunta sa gasolinahan

Ito rin ang halaga na ibinigay ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa bawat isa sa kanila.