Ni ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS, ulat ni Beth Camia

Tapos na ang pananahimik ni Pangulong Rodrigo Duterte makaraan siyang mangako kahapon na tutulong siya upang mapatalsik sa Korte Suprema si Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

 GAWAD PARANGAL Katabi ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno si dating Vice President Teofisto Guingona Jr. at dating Senador Rene Saguisag, sa kanyang pagdalo sa Quezon City Sports Club upang pangunahan ang pagbibigay-gawad sa mga honoree sa Araw ng Kagitingan event kahapon. (ALVIN KASIBAN)


GAWAD PARANGAL Katabi ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno si dating Vice President Teofisto Guingona Jr. at dating Senador Rene Saguisag, sa kanyang pagdalo sa Quezon City Sports Club upang pangunahan ang pagbibigay-gawad sa mga honoree sa Araw ng Kagitingan event kahapon. (ALVIN KASIBAN)

Ito ang naging tugon ng Pangulo makaraang sa isang talumpati ay hiniling ni Sereno na ipaliwanag ni Duterte kung bakit si Solicitor General Jose Calida ang naghain ng quo warranto petition laban sa kanya, gayung abogado ng pamahalaan si Calida. Iginiit ni Sereno na labag sa batas ang naging hakbangin ni Calida laban sa kanya.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Sa kanyang pre-departure speech kahapon, sinabi ng Pangulo na sawa na siya sa mga paninisi sa kanya ni Sereno.

“Ikaw, Sereno, sinabi ko na sa’yo, hindi ako nakikialam (sa isyu). If you are insisting, then count me in. Count me in and I will egg Calida to do his best. Ako na mismo maglakad din kalaban sa ‘yo,” ayon kay Duterte. “Now sige ka diyan, daldal ka nang daldal, upakan kita. So, I am putting you on notice. I am now your enemy. And you have to be out of the Supreme Court.

Sinabi ng Presidente na hihilingin niya sa Kongreso na isulong ang impeachment trial laban kay Sereno dahil hindi nakabubuti para sa bayan na nasa puwesto pa rin ito.

“I will see to it and after that, I will request the Congress, go into the impeachment right away.

Because the two entities can hear it simultaneously. Impeachment is Congress. So I would like to ask Speaker Alvarez now, kindly fast-track the impeachment. She is bad for the Philippines,” ani Duterte.

“Let the world know: talagang, makialam ako. Ako, nagpapasensiya lang ako, babae, eh. Now this time I will ask the congressmen and the Speaker, do it now. ‘Wag ninyong dramahin,” sabi ng Pangulo.

“I am asking Congress, what’s taking you too long? Do not create any crisis in this country,” dagdag pa niya. “I will not hesitate to do what is to the best interest of my country. If it calls for your forced removal I will do it.”

Samantala, sa kabila ng mga panawagan ng ilan sa kanyang malalapit na kaibigan na manahimik muna sa kinahaharap na isyu, sinabi kahapon ni Sereno na wala siyang planong sumunod sa payo ng mga ito.

Ito ang inamin ni Sereno sa kanyang talumpati sa Araw ng Kagitingan event, na inorganisa ng Movement Against Tyranny, pero mas pipiliin aniya niyang lumaban nang buong tapang, sundin ang kanyang prinsipyo, at huwag sumuko.

Sisimulan na ngayong Martes ang oral argument ng Korte Suprema sa quo warranto case laban kay Sereno sa summer en banc session sa Baguio City, na dadaluhan mismo ng Punong Mahistrado.