Mula sa Entertainment Tonight

PINAPALAKPAKAN ni Shay Mitchell ang kanyang mga vacation doubter.

Shay

Inakusahan ang aktres ng ilan nang mag-post sa Instagram ng ilang litratong kuha sa kanyang pagbabakasyon, at tinawag siyang “Pretty Little Liar” dahil pineke niya ang ilang larawang kanyang ipinost, na aniya ay sa China.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sumagot ang dating PLL star, na kadalasang idinodokumento ang kanyang mga paglalakbay sa iba’t ibang panig ng mundo sa social media, sa kanyang haters nitong Biyernes ng gabi ng -- what else? – sa isang larawan niya na nakatanaw sa magandang nighttime view ng waterside attraction sa Shanghai, ang The Bund.

“View so nice it almost looks... fake,” caption niya sa shot.

Ang larawan ay kanyang ipinost dalawang araw makaraang manawagan ang Stylecaster website sa star dahil umano sa pagbabahagi ng mga larawang kinuha sa ibang sources nang hindi naglalagay ng credit. Sa isang litrato, na ipinost ni Mitchell sa kanyang Instagram story, makikita ang napakagandang larawan ng makasaysayang Monster Building sa Hong Kong, kasama ang caption na, “Night views.” Dito na napansin ng fashion at entertainment website ang computer cursor sa lower left side ng shot.

Nagbahagi rin ang aktres ng isa pang larawan ng series ng mga gusali na mukhang kanyang inspirasyon sa kanyang “next nail polish change,” ngunit isinuhestiyon ng isang reverse image na ang shot ay kinunan noon pang 2014 sa Tokyo, Japan.