Ni Annie Abad

NAKIPAGKASUNDO si Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez sa United States Sports Academy (USSA) sa pangunguna ng Presidente at Chief Executive Officer (CEO) nito na si Dr. TJ Rosandich upang palawigin ang kaalaman ng Pilipinas sa pagpapatakbo ng sports.

BINISITA ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez ang opisina at gallery ng USSA office matapos ang produktibong pakikipagpulong. (PSC PHOTO)

BINISITA ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez ang opisina at gallery ng USSA office matapos ang produktibong pakikipagpulong. (PSC PHOTO)

Nagtungo sa Daphne Alabama si Ramirez sa mismong tanggapan ng USSA sa Academy campus nito kung saan sila lumagda ng isang kasunduan upang masimulan ang balikatan sa sports ng Estados Unidos at ng Pilipinas.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Una nang nagkaroon ng ugnayan sa sports ang Pilipinas at Estados Unidos noong pa mang dekada ‘80 kung saan nagturo na rin ng certification program ang USSA upang tulungan ang mga coach sa bansa.

“We taught our international certification programs in sports management and sports coaching in the island nation in the early 1980s, so to return is meaningful indeed,” ani Rosandich.

Sinabi pa ni Rosandich na ang kasunduan na ito ay pagpapatuloy lamang ng mga nauna nang misyon ng USSA kung saan nagturo sila ng sports education sa mahigit 65 bansa sa buong mundo.

“The Academy is looking forward to playing a role in the enhancing of the national sport effort in the Philippines through our programs in education, research and service. Having taught sports education programs to more than 65 countries, this partnership with the Philippines is a continuation of our mission,” ayon pa kay Rosandich.

Itinuring naman ni PSC chief Ramirez na isang tagumpay ito para sa Philippine Sports, gayung isang malaking tulong umano ito para sa bansa sa ikapapalawig pa sa kaalaman tungkol sa palakasan ng mga officials, coaches at mga taong may kinalaman sa pampalakasan sa bansa.

“We have a great respect for the United States Sports Academy because of the work it did with our country in the past,” ayon kay Ramirez. “We are grateful for all the Academy has done and we look forward to restarting the relationship we had for so many years,” aniya.

Agad na sisimulan ang nasabing programa kung saan ay agad na magpapadala ng kanilang mga faculty members ang Akademya sa susunod na buwan upang magturo ng sports governance at financial administration course sa mga senior officials ng PSC pati na rin sa Philippine Olympic Committee (POC).

Bukod dito ay magsasagawa pa ng pagtuturo sa mga kurso na mas may malawak na sakaop tungkol sa sports upang makatulong sa pagpapaunlad ng edukasyon tungkol sa palakasan sa Pilipinas.

Makikipagtulungn ang Akademya sa mga government entities at mga organisayaon na itinalaga ng PSC sa pakikipagtulungan ng mga sangay ng edukasyon ng gobyerno gaya ng Department of Education, Commission on Higher Education, Philippine Olympic Committee, Department of the Interior and Local Government at national sports organizations.

Naitayo ang nasabing Akademya 45 taon na ang nakakalipas kung saan ay nakapaghatid na ito ng dekalidad na edukasyon sa sport at nakapaglingkod na sa 65 bansa sa buong mundo.