Ni Dhel Nazario

Nasa 19 na indibiduwal ang inaresto ng pinagsanib na puwersa ng Southern Police District (SPD) District Drug Enforcement Unit, District Special Operations Unit at Station Drug Enforcement Units (SDEU) ng Parañaque City Police, sa buy-bust operation sa lungsod nitong Sabado.

Kinilala ang mga inaresto na sina Rose Joylyn Cayubit, 49; Ricardo Daban, 47; John Alexis Cayubit, 27; Renato Cayubit, 45; Jericho Bonete, 38; Rogelio Sarmiento, 24; Jay Rommel Galvez, 21; Jeffrey Abrogar, 36; Winifredo Moscosa, 45; Francis Sarmiento, 44; Arnold Louie Manugit, 26; Michael San Pedro, 25; Sonny Boy Adriano, 45; Joshua Francia, 22; Domingo Cotamora, 56; Edgar Tañeza, 32; June Albis, 42; Jay Avico, 42; at Abunsopia Mapandi, 26.

Sa ulat ng pulisya, ikinasa ang buy-bust operation sa Barangay La Huerta, Parañaque City at inaresto ang mga suspek, bandang 6:00 ng umaga.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

N a k u m p i s k a s a mga suspek ang walong pakete ng hinihinalang shabu, na tinatayang nagkakahalaga ng P80,000; drug paraphernalia; P2,000 buy-bust money; at isang improvised 12 gauge shotgun na kargado ng isang bala.

Sasampahan ang mga suspek ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165) sa Parañaque Prosecutor’s Office.