Ni Leandro Alborote

SAN CLEMENTE, Tarlac- Isang senior citizen na armado ng baril ang inaresto ng pulisya matapos matiyempuhan sa Purok 3, Barangay Balloc, San Clemente, Tarlac nitong Huwebes ng hapon.

Si Venerando Pagaduan, 66, ng nasabing barangay ay nahulihan umano ng isang cal. 9mm pistol na may walong bala at walang naipakitang papeles sa pagdadala ng baril.

Dakong alas 4:30 ng hapon ay nakatanggap ng impormasyon na may nakaalitan ang suspek at nananakot umano ito hanggang magresponde ang kapulisan at kinumpiska ang dala nitong baril.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Nahaharap ang suspek sa paglabag sa Republic Act 10591 (Illegal Possession of Firearms and Ammunition).