NATIKMAN ng Batang Gilas Philippine Team ang tunay na aksiyon sa international arena nang makaharap ang world-class Australia at mabigo, 52-82, nitong Miyerkules sa Fiba Under-16 Asian Championship sa Foshan, China.
Kumikig ang Batang Gilas sa unang sultadahan at nagawa pang makaabante sa 11-8, ngunit hindi na nakaporma ang Pinoy sa kabuuan ng laro laban sa mas malalaki, mas mabibilis at mas may karanasang karibal.
Nanguna ang Australia sa Group B na may 2-0 karta, kasunod ang Philippines (1-1).
Kumasa sina McLaude Guadana at RC Calimag sa Batang Gilas sa nakubrang 11 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod, habang nalimitahan ang 7-foot-1 center Kai Sotto sa siyam na puntos.
Kumubra si Jay Rantall ng 15 puntos para sa Australia, habang nag-ambag sina Kobe Williamson ng 14 puntos at Luke Travers na may 11 puntos at pitong rebounds para sa No.10 ranked team.
Iskor:
Australia (82) - Rantall 15, Williamson 14, Travers 11, Capetola 9, Herbert 8, Wigness 8, Sawaka Lo 7, Jackson 6, Meakes 2, Madden 2, Tsapatolis 0.
Philippines (52) - Guadana 11, Calimag 10, Sotto 9, Andrada 8, Padrigao 5, Fortea 4, Lazaro 2, Cortez 2, Chiu 1, Go 0, Balaga 0, Bautista 0.
Quarterscores: 18-13; 38-25; 73-40; 82-52.