Ni Genalyn D. Kabiling

Hindi na napigilan ni Pangulong Rodrigo Duterte na murahin si United Nations High Commissioner for Human Rights Zeid Ra’ad Al-Hussein na nagsuhestiyong kailangan niyang magpatingin sa psychiatrist, sinabi na walang laman ang utak ng Jordanian prince.

Hindi nakatiis ang Pangulo sa kabila ng mga payo sa kanya na maghunos-dili sa kanyang galit sa UN human rights chief sa gitna ng mga negosasyon ng gobyerno para sa pagbili ng helicopters sa Jordan.

“Hoy, p***** i** mo, commissioner ka. Ako kailangan magpunta ng psychiatrist?,” banat ni Duterte sa pagbisita niya sa Oriental Mindoro nitong Miyerkules.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

“Sabi ng psychiatrist sa akin, ‘Okay ka man, Mayor. Pala mura ka lang. Either mayabang ka o talagang bastos ka. So on both counts, yes. Pero ‘yung nag-criticize sa iyo, sabihin mo rin sa kanya na parang tingin ko, walang laman ‘yung ulo niya,” dugtong niya.

Inamin ni Duterte na pinayuhan siya na magpigil sa pagkomento kay Zeid ngunit nais niyang makabuwelta.

“Look, you have a big head but it’s empty. There is no grey matter between your ears. It’s hollow. It’s empty. It cannot even sustain a nutrient for your hair to grow’ kasi ubos naman ‘yang buhok niya dito,” pahayag ni Duterte.