Ni Analou de Vera

Malaking tulong sa bansa ang pagkilala ng isang international news outlet sa Pilipinas bilang isa sa “hottest spots in Asia” ngayong taon, ayon sa Department of Tourism (DoT).

Tinuk oy ng DoT ang inilathalang artikulo ng Forbes. com na may titulong, “The 5 Spots in Asia That Are Booming With Tourists in 2018.”

Ayon sa DoT, ito ay resulta ng umuunlad na industriya ng turismo sa bansa, bunsod na rin ng umaangat na connectivity at mga imprastruktura nito.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

“With recent improvements in local infrastructure, top tourist destinations are now being served by domestic airports with frequent flights to and from the country’s major cities,” saad pa sa artikulo.

Bukod sa Pilipinas, kasama rin sa nasabing listahan ang Japan, Malaysia, Indonesia, at South Korea.

“To be lined-up with the region’s tourism powerhouse is a testament to the resiliency of the people and the country’s resolve to promote the Philippines as a safe and fun destination,” pagmamalaki naman ni DoT Secretary Wanda Tulfo-Teo.

Ayon sa DoT, “several international gateways have experienced renovations last year with plans to develop more regional airports like the Iloilo International Airport, Bacolod- Silay Airport, Laguindingan Airport in Misamis Oriental, and New Bohol International Airport in Panglao.”