Ni Mar T. Supnad

MT. SAMAT, Bataan - Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-76 na “Araw ng Kagitingan”, nag-alok ang mga local tourism official ng Bataan ng libreng elevator ride, upang masaksihan ang magandang tanawin ng Mt. Samat sa Linggo, Abril 8.

Ayon kay Manny Castillo, ng Mt. Samat, dahil sa inaasahang dagsa ng turista para sa libreng sakay sa elevator, na may taas na 92 metro, lilimitahan ang bilang ng sasakay sa elevator upang maiwasan ang tulakan.

May taas na 36 storey ang higanteng krus, masusulyapan din ng publiko ang tanawin ng Manila Bay, at ang ilang baybayin ng Pampanga at Bulacan.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Samantala, bukod sa libreng sakay sa elevator kabilang din sa programa sa pagdiriwang ang float parade sa Abril 6, na inaasahang lalahukan ng 11 bayan ng probinsiya.

Magkakaroon din ng 160-kilometer freedom trail mula sa Mariveles papunta sa bayan ng Capas sa Tarlac, at ang DTI trade fair sa Abril 4-9 sa Balanga City plaza.