Ni Mary Ann Santiago
Aprubado na ng Department of Budget and Management (DBM) ang paglikha ng mahigit 75,000 bagong teaching positions para sa susunod na school year.
Sa isang breakfast forum sa Pasig City, sinabi ni DBM Secretary Benjamin Diokno na binigyan na nila ng solusyon ang kahilingan ng Department of Education (DepEd) na kumuha ng 75,242 guro na magtuturo sa kindergarten, elementary, junior high school (34,244), at senior high school (SHS) para sa School Year 2018-2019.
Pinakamarami, aniya , ang kakailanganing guro sa kindergarten at elementarya, na aabot sa 40,642 teaching personnel, 34,244 naman para sa junior high school, at 356 para sa senior high school.