PAKITANG-GILAS si National Master Julius “Ashitaba Boy” Sinangote ng Quezon City matapos maghari sa Battle of Maravril chess masters tournament kamakailan sa Quezon City.

Nakaipon si Sinangote ng 7.5 puntos para maiuwi ang titulo sa event na nagsilbing punong abala si Capt. Melvin Duay.

Ito na ang ika-3 titulo ni Sinangote sa taong kasalukuyan. Ang dating top player ng Rizal Technological University (RTU) Mandaluyong ay nagkampeon din sa Battle of Masters 2018 Chess Championship na ginanap sa Tropical Hut restaurant sa Quezon Memorial Circle nitong nakaraang Marso at nagwagi sa Pampanga Chess Challenge II Open Chess Championships na ginanap sa Don Honorio Ventura Technological University (DHVTSU) sa Bacolor, Pampanga.

Nasa ika-2 puwesto naman si Narciso Gumila Jr. ng Marikina City na may natipong 7.0 puntos habang nalagay sa ika-3 puwesto si Mark Russel Salera ng Cavite na may 6.0 na puntos.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nasa ika-4 na puwesto naman si Capt. Melvin Duay ng Quezon City na may 4.5 puntos. Nasa ika-5 puwesto si Marc Simborio ng Rodriguez, Rizal dating five-time Zamboanga del Sur Champion na may 3.0 puntos habang nasa ika-6 na puwesto naman si Joshua Michael Yongco ng Apalit, Pampanga na may 2.0 puntos. Ang 13 years old na si Yongco ay ipinagmamalaki ng La Verdad Christian School College na bronze medallist sa 2018 Central Luzon Regional Athletic Association (CLRAA) chess championships kamakailan.