Ni Orly L. Barcala

Kulungan ang binagsakan ng isang 42-anyos na lalaki matapos umanong ipagyabang ang dala niyang baril sa Malabon City, nitong Linggo ng gabi.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act (RA 10591) si Norgie Hipolito, alyas “Toyo”, ng Tondo, Manila.

Sa imbestigasyon ni PO2 Aaron Blanco, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen kaugnay ng pagdadala ng baril ni Hipolito habang palakad-lakad sa loob ng Tugatog Public Cemetery, dakong 6:30 ng gabi.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kaagad na rumesponde ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP)-4 ng Malabon City Police, at naaresto ang suspek.

Nakumpiska umano kay Hipolito ang isang .38 caliber revolver na kargado ng limang bala, at walang kaukulang papeles.