Ni Annie Abad

MULA Davao hanggang Bukidnon at sa pagkakataong ito ang lalawigan ng Benguet Region ang nagbigay ayuda sa isusulong na Indigenous People Games ng Philippine Sports Commission (PSC).

 PORMAL na naselyuhan ang pagsasagawa ng Indigenous People Games sa Benguet matapos ang pakikipagpulong ni Benguet Gov. Crescencio Pacalso (gitna) at ng Philippine Sports Commission (PSC) Technical Working Group, sa pamumuno ni Mr. Manny Bitog (ikatlo mula sa kaliwa) nitong Martes sa Benguet. Ang IP Games, na nasa pangangasiwa ni PSC Commissioner Charles Maxey, ay nakatakda sa Setyembre 13-18.


PORMAL na naselyuhan ang pagsasagawa ng Indigenous People Games sa Benguet matapos ang pakikipagpulong ni Benguet Gov. Crescencio Pacalso (gitna) at ng Philippine Sports Commission (PSC) Technical Working Group, sa pamumuno ni Mr. Manny Bitog (ikatlo mula sa kaliwa) nitong Martes sa Benguet. Ang IP Games, na nasa pangangasiwa ni PSC Commissioner Charles Maxey, ay nakatakda sa Setyembre 13-18.

Sa pangangasiwa ni PSC Commissioner Charles Maxey, ang IP Games ay patunat sa adhikain ng pamahalaan na maisama ang lahat ng sektor, antas at katayuan sa buhay nang mga Pilipino sa sports.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

“Lahat tayo umaasam na manalo ang ating mga atleta ng gintong medalya sa international competition, lalo na sa Olympics. But President Duterte is determined to include all sector, the Children and our Indigenous People in the PSC sports program,” pahayag ni Maxey.

“Para kay Presidente, hindi lang Olympic medal ang dapat nating pagpursigihan, kundi ang mabigyan ng pagkakataon ang lahat ng Pilipino na ma-involve sa sports,” aniya.

Bukod sa paglalaan ng pondo sa allowances at partisipasyon ng Philippine Team sa local at international competition, naglaan ng pondo ang PSC para maisulong ang mga programa sa grassroots tulad ng Children’s Game, Batang Pinoy, Philippine National Games at ang IP Games.

Samantala, napormalisa na rin ang pagsasagawa ng PNG sa Cebu City sa Mayo 19- 25.

Ayon kay PSC Secretariat Chief Annie Ruiz, may 21 sports disciplines ang nakatakdang paglabanan sa taunang torneo, kabilang ang pambansang sports na Arnis.

Habang inaasahan din ang pagdagsa ng mga dekalibreng atleta sa National Team, nakatuon ang pansin sa mga ‘promising athletes’ sa torneo para sa edad 16-anyos pataas.

Sa pakikipagpulong sa mga kinatawan ng Cebu Provincial government, napili ang 12 venues sa Cebu City, Naga City, Municipality of Tabuelan, Danao City, Lapu-Lapu City at sa Mandaue City.

Tiwala naman si PSC Visayas Executive Director Bobbie Kintanar na magiging isang malaking tagumpay ang hosting ng Cebu para sa PNG dahil na rin umano sa suportang ibinibigay ng PSC sa nasabing proyekto.

“Through our collective cooperation and contribution, we are positive that the staging of the PNG will be successful,” ayon kay Kintanar.

Sinabi naman ni PSC Visayas regional Coordinator Nonnie Lopez na tatlong Local Government Units (LGU) Coordinators ang papangalanan ng PSC na siyang magiging kinatawan ng mga LGUs mula sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Huling nag-host ang Cebu City sa PNG noong 1997.