HINDI man Team Philippines ang dala ni Hydra Grandmaster Wesley So, Pinoy pa rin ang puso’t isipan ng 25-anyos. At maging ang Pinoy community sa Berlin, Germany ay nagdiwang sa kanyang pagsabak sa 2018 Candidates Tournament.
Bagamat hindi nakuha ng Bacoor, Cavite native ang silya na magbibigay daan para hamunin ang reigning world champion na si Hydra Norweigian Grandmaster Magnus Carlsen para sa kampeonato na gaganapin sa London sa buwan ng Nobyembre, ipinagbunyi ng Pinoy ang kampanya ni So.
“Wes (So), we’re still proud of you because playing in Candidates is no easy task. Always be positive, everything is a learning process. Next time, I’m sure you will succeed,” pahayag ng 24-anyos at dating Philippine junior champion at Germany-based na si National Master Marc Christian Nazario.
Ang 3rd Year Marketing Management student ng San Beda University ay nakasama si So sa pagbabandera ng Pilipinas sa 2004 Vietnam 6th Asian Age Group Chess Championship.
Sa pinakabagong April 1, 2018 world rating list, nasa No.7 ang US-based na si So na may tangan 2786.
No.1 pa din si Carlsen na may 2843 habang nasa ika-2 puwesto si hydra GM Shakhriyar Mamedyarov ng Azerbaijan na may 2814.
No.3 naman si US hydra GM Fabiano Caruana na may 2804. Si Caruana ang top finisher sa Candidates Tournament at magtatangka sa titulo na tangan ni Carlsen sa London sa buwan ng Nobyembre.
Nagbigay din ng pahayag si seven-time Philippine Executive Champion Dr. Jenny Mayor, isa sa masugid na tagasuporta ng batang si So.
“Pataasin ulit ang rating hanggang mag # 2 ulit sya. Para qualified na naman next World Champioship Cycle,” sabi ni Dr. Jenny Mayor.
Iginiit naman ni Middle East based engineer Yusuf Riano Villanueva Galindo na malaki ang tsansa ni So na maging world No.1.
“Si Kasparov ang pinakabatang naging Pandaidigang kampeon sa larangan ng ahedres sa edad na 25 taon at si Gm Wesley So sa ngaun ay 24 taong gulang plang kaya malaking chance na maging world chess champion,” pahayag ni Galindo.
Nagpa-abot din ng pagbati kay Wesley ang isa sa mga nauna niyang chess teacher na si Singapore-based 1996 Philippine junior champion National Master Roberto Suelo Jr.
“Good luck Wes,” sabi ni NM Suelo kung saan ay ilang beses hinatid sa kampeonato ang Rizal Technological University (Mandaluyong) chess team sa NCR-SCUAA chess games noong kanyang College days.