Ni Mary Ann Santiago

Inaresto ang isang guwardiya makaraang ireklamo ng panunutok ng baril sa magkasintahan sa Binondo sa Maynila, nitong Sabado ng gabi.

Nahaharap sa kasong panunutok ng baril ang suspek na si Jie Flores Aduan, 23, ng 270 Fernando Street, Blanco Compound, Malanday, Valenzuela City makaraang ireklamo nina Kimberly Turla, 19, ng CM Recto Avenue, Binondo; at Angelo Burlas, 20, ng Asuncion St., Tondo.

Sa ulat na ipinarating ni Supt. Caesar Domingo, hepe ng Manila Police District (MPD)-Station 11, naganap ang insidente sa panulukan ng Barcelona at San Nicolas Sts., sa Binondo, dakong 11:15 ng gabi.

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Naglalakad sina Turla at Burlas nang tutukan sila ng suspek ng .38 caliber revolver.

Sa takot, kumaripas ang magkasintahan at humingi ng tulong sa Barangay 283, Zone 26, District III, na ikinaaresto ng guwardiya.

Nakakulong ngayon ang suspek sa detention cell ng pulisya.