INAASAHAN na maipapahayag ng pormal ang fight card sa pagitan nina IBF superflyweight champion Jerwin Ancajas at kababayan na si Jonas Sultan bilang main event sa Top Rank boxing card sa Las Vegas sa huling linggo ng Mayo.
Nauna nang itinakda ang laban bilang undercard sa duwelo nina Jeff Horn at Terence Crawford sa Abril 24 sa Mandalay Resort and Casino, ngunit iniurong ito matapos magtamo ng pinsala si Crawford habang nageensaya.
Itinakda ang WBO welterweight championship sa Hunyo 9 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.
Napabalita na kabilang sa undercard ng laban ang Ancajas-Sultan bout, ngunit nagpasya ang Top Rank na gawin itong hiwalay bunsod na ring na popularidad ni Ancajas sa Filipino community sa America.
Wala pang pormal na pahayag ang kampo ni Ancajas at Sultan hingil sa petsa ng laban.
Kapwa puspusan na ang pagsasanay ng dalawang Pinoy, ngunit nagawa pang lumabas sa TV ni Ancakas para sa interview ng TV 5 kasama sina Mark Anthony Barriga, A. J. Banal at Marvin Sonsona. Nakatakda sumabak ang tatlo sa local fight card sa Mayo 13.