Ni ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS

Nanawagan si Pangulong Duterte sa mga Pilipinong Kristiyano na isama sa kanilang panalangin ngayong Linggo ng Pagkabuhay ang bansa, at hinikayat ang mga ito na maging mapagpatawad at mapagkumbaba.

Sa kanyang mensahe para sa Linggo ng Pagkabuhay, hiniling ni Duterte sa mga Pinoy na papurihan ang Panginoon sa Kanyang sakripisyo upang mamuhay ang mga tao nang may pag-asa tungo sa buhay na walang hanggan.

“Today we are called to thank the Lord for giving us His only Son to save the world from sin,” sabi ni Duterte.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

“As we remember Christ’s triumph against death, may we nurture humility and forgiveness in our hearts as these will free us from the shackles of hatred and greed. For it is only by being selfless that we can truly say we are worthy of God’s love,” dagdag niya.

Hinikayat din niya ang publiko na tulungan ang mga nangangailangan at manalangin para sa kaligtasan at kapayapaan ng bansa.

“Let us make this occasion more meaningful by offering aid to others, especially to those is need,” sabi niya.

“Let us pray for the welfare and safety of our countrymen and for lasting peace in our nation so that we can all work together in harmony towards real change,” dagdag niya.

MENSAHE NI POPE FRANCIS

Sinabi ni Pope Francis nitong Biyernes na ikinahihiya niya na mamanahin ng kabataan ang isang mundong “fractured by divisions and wars”.

Sa pagsasalita sa Roma sa pagtatapos ng Good Friday Stations of the Cross procession, sinabi ng Santo Papa na ang mundo ay “devoured by egotism in which the young, the sick, the old are marginalised”.

Sa kabila ng mahigpit na seguridad, nasa 20,000 mananampalataya, marami ang may hawak ng kandila, ang nagsama-sama sa paligid ng Rome’s Colosseum.

Isinailalim sa surveillance ang Rome kasunod ng sunud-sunod na anti-terror arrests sa nakalipas na linggo.

Nagbabala si Italian Interior Minister Marco Minniti ng maraming pag-atake sa Italy ngayong linggo, at nasa 10,000 officers ang ipinakalat upang masiguro ang kaligtasan sa Roma, lalo na sa pagdiriwang ng Linggo ng Pagkabuhay na pangungunahan ng Papa.

May ulat mula sa AFP