Joshua
Joshua
TRENDING ang talent ng mahusay na barberong Pinoy sa Canada, na pinagpapagupitan ng buhok ng mga bigating NBA player at R&B artist para magpapogi. Tanging ang istilo niya sa paggupit ang laging hanap-hanap ng mga ito.

Lumaki man sa Toronto, Canada, 100% Pinoy si Joshua Diamante, na tubong Magaldan Pangasinan ang ina at taga-San Pablo, Laguna naman ang ama.

Disinuwebe anyos (19) pa lang nang matutong maggupit ng buhok si Joshua, na kanyang inaral at kinabisa sa basement ng kanilang bahay.

Ayon sa kanya, mga YouTube haircutting videos ang naging guro niya para matutuhan ang craft at ang inspirasyon naman ay mula sa mga taong naserbisyuhan na niya.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

At hindi basta-basta lamang ang mga kliyente niya, mula sa mga kaibigan at kapitbahay, suki na niya ngayon sina R&B artist French Montana, Majid Jordan, at pati na rin ang NBA players ng Toronto Raptors at Toronto Blue Jays ng baseball.

Ngayon ay may sarili na siyang barber shop, ang Throne, at 15 sa kanyang mga barbero ay mga Pinoy. Higit sa lahat, pinapangarap niyang makapagpatayo ng sariling barber shop dito sa Pilipinas.