CARACAS (AFP) — Limang opisyal ng pulisya ang pinaghihinalaang responsable sa sunog na ikinamatay ng 68 katao sa isang kulungan sa police station sa Venezuela at idinetine, sinabi ng chief prosecutor ng bansa nitong Sabado.
Inihayag ni Tarek William Saab sa Twitter na pinaniniwalaan na ang mga nasabing opisyal ang “responsible for the tragic events that caused the death of 68 citizens” ngunit hindi nagbigay ng karagdagang mga detalye.
Kabilang sa mga idinetine si Jose Luis Rodriguez, sub-director ng police station sa Valencia kung saan nilamon ng apoy ang mga selda ng halos 200 preso.
Hindi pa sinasabi ng mga opisyal kung paano nagsimula ang sunog at kung ano ang maaaring naging papel ng mga idinetineng opsiyal dito.
Inilibing na ang karamihan sa mga nasawi nitong Biyernes.