SEOUL (AFP) – Ipinatawag kahapon ng South Korea ang ambassador ng Japan para iprotesta ang bagong educational guidelines na nag-oobligang ituro sa mga estudyante na pag-aari ng Japan ang mga pinag-aagawang isla.
Kontrolado ng Seoul ang maliliit na pulo sa Sea of Japan (East Sea) simula 1945, nang magwakas ang pananakop ng Tokyo sa peninsula.
Inaangkin din ng Tokyo ang mga isla, kilala bilang Dokdo sa South Korea at Takeshima naman sa Japan, at inaakusahan ang Seoul na ilegal itong inookuopa.
Kahapon, inaprubahan ng Tokyo ang guidelines na nag-oobliga sa high school textbooks at mga guro na ituro sa mga estudyante na ang mga isla ay pag-aari ng Japan, tulad ng ipinatupad noong nakaraang taon sa elementary at middle schools.
Sinabi ng Seoul foreign ministry na ‘’unjustifiable’’ ang assertion, dahil ang Dokdo ay ‘’inalienable’’ part ng teritoryo ng South Korea.