MULING aagaw nang pansin ang mga atleta sa private, colleges and universities sa buong bansa sa 2018 National PRISAA Sports Competition sa April 22-28 sa Tagbiliran Sports Complex sa Bohol.

Nakatakdang magsalita si Rio Olympic silver medalist at Asian Weightlifting queen Hidilyn Diaz sa opening ceremony at ibabahagi niya ang kayang tagumpay sa mahigit 5,000 atleta galing sa mahigit 500 private colleges and universities sa bansa ang maglalaban sa 18 sports kasama ang medal rich athletics, swimming at weightlifting.

Si Diaz ay produkto ng PRISAA na naglaro sa Zamboanga kasama ang kapwa Asian Games at SEA Games veteran na si Nestor Colonia kun saan naglaro kasama si dating marathon champion at SEA Games medalist Mercideta Manipol sa University of the East.

Sinabi ni PRISAA National Executive Director Prof. Elbert “Bong” Atilano na handang-handa na ang Bohol i-host sa unang pagkakataon ang naturang torneo na tinatag noong 1953 para bigyan pagkakataon ang mga atleta sa private colleges and universities ipakita ang kanilang natatanging husay at galing sa kanilang paboritong sports.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“Everything is in place. We ironed out major kinks to ensure the smooth sailing of the tournament,” wika ni Atilano sa panayam sa kanya sa katatapos na Batang Pinoy Mindanao leg kung saan pinamunuan niya ang Zamboanga delegation.

“The best and the brightest athletes are seeing action. I expect many young potential athletes will shine and preserve the good name of PRISAA as traditional breeding ground of national athletes past and present,” sambit ni Atilano.

Sa unang pagkakataon gagamit nang makabagong electronic scoring device sa weightlifting para makasabay sa ibang mga bansa na gumamit nang state-of-the-art scoring equipment na nabili sa halagang US$1000 dollars sa Japan kung saan pinamunuan niya ang delegation sa Asian Juniors Weightlifting bilang vice president ng Weightlifting Association of the Philippines.

Nanalo sina Kristel Macrohon, Dessa de los Santos, Rosegie Ramos at John Paolo Rivera nang medalya.

Ayon kay Atilano ang main thrust ng PRISAA ay makatuklas ng maraming magagaling na atleta na posibleng maging miyembro ng National team.

“We focus on individual participation precisely to discover many young potential athletes,” wika ni Atilano may-ari ng Zambaonga Institute of Aviation and Technology kasapi sa PRISAA.

Sinabi ni bagong PRISAA president at dating Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Fr. Vicente Uy na handang-handa na ang kanyang lalawigan i-host ang naturang torneo huling nilaro nakaraan 2017 sa Zambales na may tema ma “Building Nation Through Sports”.

“The venue undergone massive renovation and improvement to ensure the competition we are holding for the first time becomes success,” sabi ni Uy pinalitan si Fr. Daniel Presto.

Kasama sa mga sport lalaruin ay basketball, boxing, chess, lawn tennis, table tennis, wrestling, baseball, sepak takraw, softball, archery, at volleyball .