ni Nora Calderon

Christopher de Leon
Christopher de Leon
BEST friends forever na sina Christopher de Leon at Tirso Cruz III, simula pa nang magkasama sila sa pelikula at telebisyon noong early 70s. Kahit ang asawa ni Boyet na si Sandy Andolong at ni Pip na si Lynn Cruz, very close din sa isa’t isa, at may grupo sila nina Lorna Tolentino, Gina Alajar, Maritess Gutierrez at iba pa. Sa mga panahon ng pagsubok, may prayer warriors sila ng bawat isa. friends forever na sina Christopher de Leon at Tirso Cruz III, simula pa nang magkasama sila sa pelikula at telebisyon noong early 70s.  Kahit ang asawa ni Boyet na si Sandy Andolong at ni Pip na si Lynn Cruz, very close din sa isa’t isa, at may grupo sila nina Lorna Tolentino, Gina Alajar, Maritess Gutierrez at iba pa. Sa mga panahon ng pagsubok, may prayer warriors sila ng bawat isa.

Kaya nang mag-invite si Mother Lily Monteverde sa members ng movie industry at entertainment press para sa isang Holy Week recollection, in cooperation with the Oasis of Love Catholic Renewal Community na member si Boyet, in-invite din nila si Pip para mag-share ng mga milagrong naranasan nila bigay ng Panginoon.

Nai-share ni Boyet ang nangyari sa pangalawa niyang anak na si Miguel na nagkaroon ng lung cancer habang nasa States ito dahil doon nagtatrabaho. Humingi sila ng dasal sa mga kaibigan at maging sa social medua ay humingi ng prayers si Sandy.  Hindi naging madali ang paggaling ni Miguel pero hindi nawalan ng pag-asa sina Boyet at Sandy, at pagkalipas ng ilang buwan din na pagpapabalik-balik nila sa States para samahan si Miguel at asawa nito, labis ang kagalakan nila nang i-declare ng mga doctor nitk na completely healed na si Miguel sa lung cancer nito.  Ngayon, muli nang nagtatrabaho si Miguel, kasama na ang anak nilang si Primo na for a while ay inalagaan dito sa Pilipinas nina Boyet at Sandy.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Kamakailan lang ay muling naranasan ni Boyet ang miracles from God nang maaksidente siya sa taping ng Kambal Karibal, tinamaan ang hita niya ng barilin siya sa eksena ni Marvin Agustin.  Aksidente iyon na hindi maiiwasan sa shooting.

“Pero labis ang pasasalamat ko sa Diyos na sa hita lang ako tinamaan ng blank bullet,” sabi ni Boyet.  “Sabi ng doctor ko, kung napataas daw iyon ay tiyak na ikamamatay ko. Bago ako naospital nakapunta pa ako sa Marawi, kasama ang anak kong si Mariel para sa mga sundalo natin doon. Pagbalik namin saka ako pumasok ng hospital at salamat sa GMA dahil inasikaso nila ako.

Samantaka, totally healed na si Pip matapos ang bout niya sa lung cancer noong 2014.

“Bata pa lang kasi ako, naninigarilyo na ako,” kuwento ni Pip. “Kaya nang ma-diagnose ako ng lung cancer, nagbago na lahat ng pananaw ko sa buhay. May asawa at tatlong anak ako, kaya naging mabait akong pasyente at ang talagang hiningan ko ng awa ay ang Panginoon.

“Nangako akong magbabago na ng pamumuhay. Isinuko ko na ang sarili ko sa Kanya at kapag gumaling ako, magsi-serve ako sa Kanya.  Pagkatapos ng ilang buwang paggagamutan, dininig ng Diyos ang panalangin ko at sinabi ng doctor na wala nang lahat ang bahid ng cancer ko, at tinupad ko rin ang pangako ko sa Kanya na magsi-serve ako.”

Member si Pip ng Victory Fellowship Church kaya madalas siyang naiimbitahan here and abroad para mag-share ng kanyang life testimony.

“Kaya lagi tayong magdasal ng taimtim sa Diyos, hindi iyong kung kailan lang tayo nasa bingit ng kamatayan saka tayo tatawag sa Kanya. Through prayers, ibibigay Niya sa iyo ang hinihingi mo.”

Sa kabila na pagiging busy sa kanya-kanyang trabaho, kapag may tawag kina Boyet at Pip para mag-share ng kanilang life testimonies, hindi sila tumatanggi.