Ni Leandro Alborote

TARLAC CITY - Isang motorcycle rider ang nasawi matapos itong sumemplang nang tangkaing iwasan ang isang tumatawid na asong kalye (askal) sa Sitio San Verga, Sapang Maragul, Tarlac City, nitong Huwebes ng madaling-araw.

Dead on the spot si Marco Regala, ng nasabing barangay, dahil sa tinamong pinsala sa ulo at katawan.

Sa pagsisiyasat ni PO2 Ricardo Milante, ng Tarlac City Police, dakong 4:20 ng madaling-araw nang mangyari ang insidente sa national highway sa Sitio San Verga.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Pauwi na si Regala at tinatahak ang kalsada, sakay sa kanyang motorsiklo nang biglang tumawid umano sa kalsada ang isang askal na tinangka umano niyang iwasan.

Gayunman, nawalan ng kontrol si Regala sa motorsiklo hanggang sa sumemplang.