Ni Marivic Awitan

PAGKATAPOS ng kanyang stint sa Asean Basketball League (ABL) ipapakita naman ni Reggie Johnson ang kanyang galing sa Philippine Basketball Association (PBA).

Kinuha ng koponan ng Rain or Shine si Johnson bilang import sa darating na Commissioner’s Cup kung saan inaasahang ipagpapatuloy nito ang ipinakikitang laro sa ABL partikular noong 2016 nang pangunahan nya sa kampeonato ang Westports Malaysia Dragons.

Ang 28-anyos na produkto ng University of Miami (Florida) ay inaasahang darating ng Pilipinas sa Abril 5, ayon kay Elasto Painters coach Caloy Garcia.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ang dating coach ni Johnson’s sa Malaysia na dati ring Phoenix coach na si, Ariel Vanguardia, ang nag-endorso dito sa Rain or Shine.

Ginarantiyahan ni Vanguardia kay Garcia ang abilidad ng 6-foot-10 na si Johnson.

At dahil sa laki nang pangangatawan nito, akmang-akma si Johnson sa ROS.

“Sabi ko ‘extra rice’ din,” sambit ni Vanguardia.