HABANG sentro ng usapin ang pagsabak sa main event ni Team Lakay Kevin “The Silencer” Belingon (17-5) kontra Bali-based American Andrew Leone (8-3), dapat ding abangan ang isang kaganapan sa MOA Arena.

one copy

Bukod sa ONE: HEROES OF HONOR fight card sa Abril 2o, gaganapin din sa unang pagkakataon ang ONE Super Series, ang pinakabagong labanan na magtatampok sa iba’t ibang porma ng martial arts.

Ayon kay ONE Championship Chairman and CEO Chatri Sityodtong, ang ONE Super Series ay naglalayon na mabigyan ng pagkakataon na maipamalas sa publiko ang ganda ng iba’t ibang martial arts tulad ng Muay Thai, kickboxing, karate, taekwondo, Kung Fu, wushu, sanda, silat, lethwei, at iba pa.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ang mga naturang dispilina ay mapapanaod sa ONE Championship.

Ang tampok na laban sa Manila’s ONE Super Series ay ang sagupaan nina international kickboxing superstar Giorgio Petrosyan ng Italy at 25-anyos na si “Smokin’” Jo Nattawut ng Thailand.

Tangan ni Petrosyan ang professional kickboxing record na 85-2-2, 2NC, tampok ang 6-year 42-bout win streak na itinuturing marka sa kasaysayan ng martial arts.

Hawak naman ni Nattawut ang professional kickboxing record na 60-11-2. Ipinanganak sa Korat, Thailand, si Nattawut ay dating Lion Fight Super Welterweight Champion at WMC Champion.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang www.onefc.com.