Ni Mary Ann Santiago

Inaasahang makararating sa mas maraming Katoliko ang mga pagninilay-nilay ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle para sa Mahal na Araw, dahil maaari na rin itong masubaybayan online.

Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), maaaring marinig ang mga Holy Week reflections ng Cardinal sa serye ng webisodes na may titulong “Enduring Questions”, simula ngayong Huwebes Santo, Marso 29, hanggang sa Sabado de Gloria, Marso 31.

“The faithful may hear his reflections for the Holy Week via https://www.youtube.com/channel/UCXefTOvFG2TjaRX0t2L-Asw from Maundy Thursday, March 29 to Black Saturday, March 31,” ayon sa CBCP.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nabatid na ang naturang webisodes ay iprinodyus ng Jesuit Communications (JesCom), katuwang ang Bayard Philippines.

Layunin nito na magkaroon ng mas malalim na pagtalakay sa ilang katunangan na nabanggit sa mga readings at liturgy para sa Mahal na Araw, tulad ng “Are you the king of the Jews”; “Do you understand what I just did for you?”; “What is truth”; “My God, why have you forsaken me?”