MONTREAL (AFP) – Nagkasundo ang mga bansa sa Group of Seven na isulong ang artificial intelligence, sinabi ng Canadian minister nitong Miyerkules.

Nagpulong ang mga opisyal sa Montreal para sa mga trabaho at innovation forum bago ang pag-host ng Canada sa G7 industrialized nations summit simula sa Hunyo 8 hanggang 9 sa Malbaie, Quebec.

“G7 innovation ministers have agreed on some common approaches to artificial intelligence and a list of best practices,” sinabi ni Canada Social Development Minister Jean-Yves Duclos sa news conference sa pagtatapos ng mga pag-uusap.

Kabilang sa mga ito ang “shared vision for human-centered AI,” saad sa joint statement.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Kailangang tiyakin ng G7 nations na ang umuusbong na AI industry “brings to our societies and our economies the most significant benefits possible in the coming years,” habang pinoprotektahan ang privacy rights, ani Duclos.