LONDON (AFP) – Inanunsiyo ng Britain nitong Miyerkules ang planong pagbayarin ng deposito ang consumer sa plastic bottles bilang bahagi ng mas malawak na kampanyang laban sa polusyon.

Ipatutupad ng gobyerno ang singil sa plastic, glass at metal single use drinks containers na ipinagbibili sa England, sinabing environment ministry.

Layunin ng hakbang na mabawasan ang dami ng basurang napoprodyus sa Britain – kabilang ang tinatayang 13 bilyon plastic drinks bottles taun-taon.

“We want to take action on plastic bottles to help clean up our oceans,” sinabi ni environment minister Michael Gove.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Ang schemes ay kopya sa ipinatutupad sa Denmark, Sweden at Germany, kung saan magbabayad ng hanggang 22 pence na inire-refund kapag ibinalik ang empty bottle.