Ni Mina Navarro

Pinangunahan ni Customs Commissioner Isidro S. Lapeña ang pag-inspeksyon sa isang bodega sa Bulacan kung saan dinala ang karamihan sa mga ilegal na 105 container na inilabas mula sa bakuran ng Asian Terminal Inc. (ATI).

Tatlumpu’t dalawang 20-footer container na nasa ilalim ng alert order ang natagpuan noong Marso 20 sa loob ng unang bodega sa Homms Blk. 2, Lot 3 Phase 5 Sterling Industrial Park, Barangay Libtong, Meycauayan, Bulacan.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

Isa pang kalapit na bodega sa Smartylane St. Sterling Industrial Park, Brgy. Libtong, Meycauayan, Bulacan, ang kanilang ininspeksyon, at nadiskubre ang maraming crates ng tiles na katulad sa naunang bodega.

Ang dalawang bodega ay pag-aari ng Homms Trading Corporation.