TINALO ni National Master Nick Nisperos si Fide Master Nelson “Elo” Mariano III sa seventh at final round para manguna sa qualification tournament ng National Chess Federation of the Philippines na pinamagatang The Search for the next Wesley So na ginanap sa Activity Hall ng Alphaland Makati Place, Ayala Avenue sa Makati City nitong weekend.

Dahil sa natamong panalo, ang 45-years-old accounting staff ng BPI bank Intramuros branch na si Nisperos ay nagtala ng anim na puntos gaya ng iskor ni Philippine Army bet Antonio Chavez Jr. na wagi sa 17 years old Elcid Estaron.

Nakamit ni Nisperos ang unahang puwesto dahil sa mas mataas na tie break points kay 2nd placer Chavez sa torneong ito na sinuportahan ni National Chess Federation of the Philippines (NCFP) Chairman/President Surigao del Sur. Rep. Prospero “Butch” Arreza Pichay Jr., na inorganisa ni NCFP treasurer Atty. Cliburn Anthony A. Orbe sa pakikipagtulungan ng Alphaland Makati Place na pinangasiwaan nina International arbiter Ilann Perez at national arbiter Roy Madayag ng Chess Arbiter Union of the Philippines (CAUP).

Sina Nisperos, Chavez at Fide Master Narquingel Reyes ay pasok sa main draw sa susunod na buwan kasama sina youth qualifiers 12 years old Neil Chester Reyes, grade 7 pupil ng Southville 8B of Rodriguez, Rizal, 15 years old Max Davee Tellor, grade 10 pupil ng Naga College under NM Carlo Lorena, at 12 years old Cyrus Vladimir Francisco, grade 7 pupil ng San Beda University under Ildefonso Datu.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Si Reyes, protege ni MVP Olympics PLDT chess team manager Martin “Binky” Gaticales, ay nakamit ang last slot dahil sa superior tie break kina fellow 5.5 pointers Genghis Katipunan Imperial at National Master Efren Bagamasbad.