Ni NORA CALDERON

NALUNGKOT at bigo ang fans ni Maine Mendoza at ang AlDub Nation na makabili na ng MAC lipstick na ini-endorse ng idolo nila.

MAINE copy

Matatandaan na pumunta pa sa Toronto, Canada si Maine last January para siya mismo ang magtimpla at gumawa ng lipstick na gusto niya at sabi nga this April, na ang launch nito. Kaya may tweets na ang mga fans niya na excited na silang makabili ng lipstick ni Maine.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Pero the other day, nag-announce ang #MaineForMAC #MACCosmeticsPH na hindi pa matutuloy ang launch sa April tulad ng pangako nila: “We are thrilled with all the support Maine’s MAC lipstick collaboration has received. Due to the overwhelming feedback, we are increasing production quantities to give more customers the opportunity to purchase Maine’s MAC lipstick. To meet this demand Maine’s lipstick will now launch later in 2018. Stay tuned for details and specific date!”

Nagpasalamat naman si Maine sa fans na nag-oorder na ng marami para sila naman ang magbebenta.

Samantala, nanawagan naman si Maine sa kanyang fans sa pamamagitan ng kanyang Twitter account na mag-donate ng used books: “Hi guys! Kung meron kayong mga educational books sa bahay na hindi na ginagamit, baka puwedeng i-donate na lang natin para mapakinabangan ng iba. Salamat sa mga tutulong!”

Ayon sa dalaga, ipadala na lamang ito sa Cavite National High School na nanawagan ng tulong ang teachers dahil nasunog ang kanilang school at nakasama pati na ang kanilang library.