Ni Nitz Miralles
NABASA namin ang post ni Derek Ramsay ng poster ng Amo na nilagyan niya ng caption na, “Can’t wait for #AMO directed by @brillante_mendoza to come out on Netflix this April 9.”
Yes, mapapanood na sa Netflix worldwide ang Amo mula sa direksiyon ni Brillante Mendoza. Ito ang first-ever TV series mula sa Pilipinas na ipapalabas sa Netflix. Tungkol ito sa drug war ng gobyerno at nagtatampok kay Vince Rillon sa role ni Joseph na small-time shabu pusher.
Kasama rin ni Derek, na gumaganap bilang pulis, sina Felix Roco, Andriana So at Ruby Ruiz, produced ng TV5.
Nauna nang ipinalabas sa Netflix last Monday, March 26, ang pelikula ni Mikhail Red na Birdshot , ang unang Filipino film naman na released locally on Netflix.